Thursday, January 2

Ngayong Taon

Bago ang lahat, nais ko pong magpasalamat sa lahat ng mga nagbabasa nitong blog na ito. Kung wala po kayo, eh ok lang. Pero kung lagi po kayong nandiyan eh saya saya rin. 

Buti pa si bulinggit, nagbabasa ng blog ko.

Maraming dapat baguhin ngayong taon na ito. So bago ako magsimula, maghuhugas muna ako ng kamay para naman malinis ang maging simula ng taon.

Pag hindi pa naman luminis pati budhi ko, ewan ko na lang.

Babawasan na ang pagiging emo dahil nga maikli lang ang buhay. Dapat laging masaya at napapaligiran tayo ng mga magagandang bagay at mahal natin sa buhay.

May gaganda pa ba sa subject?

Magmumuni pa rin naman ako kung ano ba ang mga dapat kong gawin ngayong taon na ito. Ano ba ang matutunan ko at saan ba ako papunta?

Sabi nang huwag nang mag-emo, ayan na naman!

Ngayong taon kinakailangan ko nang matutong tumayo sa sariling paa. Hindi na dapat umasa sa iba. Ako ay dapat ng mag-aral magmaneho. 

Sobrang bagal na kasi nito, lagi na lang akong huli sa klase ko. 

At sayang naman kasi kung naka-park na lang palagi ang sasakyan ko. Baka naman mabulok.

Sori, hindi po tayo kakasya, pang dalawahan lang po ito. 


Hindi na rin dapat nag-iinum ng kape at tsaa baka naman hindi na dugo ang lumabas sa akin kung hingan ako ng blood sample. In moderation baga.

Hindi ko kayang ubusin ito, gusto ninyo?


Kailangan na ulit mag-ipon para naman makatira na ako sa Toscana. Sosyal naman po ang mga bahay dito. 

Welcome po sa aking village. 


At hindi na dapat namamasyal kung saan saan, tipid tipid na muna. Peru Peru bukid na lilipad lipad!

Naka-tsinelas ka lang? Oks lang yan, ang bigat yata ng bulsa ko, ha, ha,ha!
Puro barya!


At sa mga hindi naniniwalang kaya kong gawin ang mga ito ngayong taon, kayo na po ang bahala sa buhay ninyo.

Talon talon lang kung may time... bangin po yan!
Have a great year!

39 comments:

  1. Puro mga resolutions at drawing ang peg ng mga blogs ngayon ah.

    Kahit ako, ginusto ko din naman simulan ng maayos ang taon, the problem is nagkalat lahat ng scums and bitches of the earth. I still asked God why He didn't destroy the earth last 2012.

    Madalas ka rin ba mag senti? Iwasan mo na nga yan. It's just as worse as smoking.

    Pangarap ko din ang magkaroon ng villa dito sa Tuscany. For the meantime eh makuntento na muna ako sa apartment na ito.

    At bakit naman ako hindi maniniwala? Sa true love nga eh buo ang loob ko na totoo yon, ang matupad ang pangarap pa kaya hindi ko paniwalaan? Jusko naman!

    ReplyDelete
  2. Ahahaha, talagang nagawan ng story ang bawat photos. Nice one sir Jonathan. Naku, I will try harder to stay positive this year. Sana hindi na masundan ung mga pinagpo-post kong mga ka-emohan at issues sa buhay lately. Pwedeng-pwede naman, Basta hindi lng ako mapo-provoke na gawin ulit yun *evil grin* (alam nyo yan!) hahaha XD

    I'm sure by this time, nasa Pinas na kayo at nagpapahinga sa inyong munting tahanan somewhere in Sta. Ana hihihi

    Cheers for 2014!

    ReplyDelete
  3. naniniwala ako na kayang kaya mo naman lahat gawin yan. ipagdasal natin na walang aberya para matupad lahat ito. all the best!

    ReplyDelete
  4. Wow ah! Great new years resolution :) The year has just started and probably your off to a great start! Unlike here sa area namin the crime rate is increasingly getting higher and higher each month which sort of scares me to go out already.. Hopefully those bad people would get their karma soon

    ReplyDelete
  5. Lakas ng tawa ko:) ang galing ng pagkagawa at akma sa mga pictures:)
    One will never get bored in your presence:)

    ReplyDelete
  6. Natawa ako sa introductions. hehehe.

    We have something na gusto pareho ma achieve this year at yun ang less travel. Gusto ko na talaga mag kasavings ka mas kelangan ko maging wise this year. Pag di kelangan mag travel e need to stop myself. It's like shopping. Nice pictures by the way!

    Happy New Year.

    ReplyDelete
  7. ang ganda ng kotse, astig!
    hindi na rin ako nagkakape ngayon, tsaa na lang :)

    gudlak and God bless sa iyong 2014!

    ReplyDelete
  8. Ha ha ha Dami kong tawa sa mga photo captions mo Jonathan!

    Wag mo lang ituloy yung talon sa bangin pag may time ha! MOre of this post pa nga pampasaya ka!

    ReplyDelete
  9. ahaha ok lang ang sometimes maging emo, part ng buhay na makaramdan ng kalungkutan dahil kung hindi ka makakaramdam nya eh hindi po tayo tao lolz...

    anyways see you bukas...

    ReplyDelete
  10. @ Mr. Tripster,

    May bahid ng ampalaya ang iyong mga sentimiento. And speaking of being senti, iiwasan na nga yan. Moving on, next! ang peg this year.

    For now, masaya na rin naman ako sa bahay ko, may munting hardin, at sariwang hangin, kailangan ko nga lang magpintura ng bahay, hay!

    May maniwala o hindi, kakayanin yan at kapag hindi kinaya ngayong taon, may susunod pa naman. Naniniwala ka pala sa true love, good!

    ReplyDelete
  11. @ fiel

    Dapat kasi lagi nating kasama si Ric, the ever positive person. Yung mga posts niya, good vibes palagi. Since new year, new things to look forward to and new things to change in our lives. Kailangan lang natin ng buddy o buddies to cross check. So positive buddies na tayo, on to a great start.

    Yes, nasa munting bahagi na ako ng Sta. Ana.

    ReplyDelete
  12. @ ambot,

    Tama, isama ang pagdarasal at pananampalataya sa Diyos. Kinakialangang nasa atin ang kilos, hindi mula sa Kanya. Salamat sa paalala.

    ReplyDelete
  13. @ simon,

    I hope that people who make wrong decisions will see that their actions merit negative karma. May you be safe wherever you may be. My prayers to you...

    ReplyDelete
  14. hehe natuwa naman ako sa resolution mo together with your great shots,
    ako kasi di ko pa naaayos ang sakin ee hahaha

    ReplyDelete
  15. Happy new year! Nakakaaliw naman ang pagkakasulat mo nito. Ipush ang resolutions.

    ReplyDelete
  16. @ joy - I am actually a funny person, stern looking maybe, but I like the company of happy people yet filled with wisdom. Your comment is most welcome.

    ReplyDelete
  17. @ june,

    Puwede pa namang mag travel but less frivolous. Buti ka nga madaming ka share when you travel. Mas magastos ang independent traveller, ako lahat, waaahhh!

    Sige resolutions natin yan, to save for this year. Then by December, mag New York tayo, ha,ha,ha!

    ReplyDelete
  18. @ jep,

    Hindi akin yun, model lang ako, ha,ha. Oo nga dapat talaga balance, not too much of coffee or anything else. Good luck din sa yo this 2014.

    ReplyDelete
  19. @ ms. Balut,

    Parang narinig ko yjng mga tawa mo. Buti naman I can still instill humour in you and the others. Yung bangin po ay para sa mga hindi sumasampalataya, lol!

    ReplyDelete
  20. @ rix,

    Ba, blind date ba ito? Ha,ha,ha. Hindi kasi nakita na kita sa mga blog postings mo at fb. Kita kits na lang, grand eb ba mamaya? Baka wala akong ma share na kuwento.

    Sa coffee shop na lang ko i share mga emo stories, exchange emo.

    ReplyDelete
  21. @ MeCoy,

    Thanks. Sana magawa kahit kasi injected with humour your blog post eh may katotohanan. Have a great weekend!

    ReplyDelete
  22. @ Mr. Bosco,

    Gagawin ang lahat para maisakatuparan. Salamat sa compliment. Have a great weekend!

    ReplyDelete
  23. :D

    May all your heart's desires come true. Happy New Year, Jonathan.

    ReplyDelete
  24. @ Ms. Lili,

    Thank you so much. Hopefully the year will be a better one for all.

    ReplyDelete
  25. it was a blast yesterday ehehehe.. Techu ng sobrang dami hihihihi

    ReplyDelete
  26. Hi Rix,

    It was worth it. Madami akong natutunan at ibabaon (to carry) or should it be to bury na mga ala-ala, ha,ha,ha. Salamat sa mga kuwento, sana nga, magpatuloy pa rin ang ating samahan sa susunod na mga taon.

    ReplyDelete
  27. sure Sir distance is not an issue to communicate we have our pages and FB as well ehehehe.

    Nakakatuwa because like what kat said you are a humble person and i can testify to that haha.

    You are willing to listen, absorb and analyze our ideas about things we encounter in life.

    ReplyDelete
  28. Ang saya ng post na ito :)

    Peru, Tuscany, Spain! San pa ba? Kaya mo yan Cher Jo! Pag hindi, eh di next year na lang! Hehe.. maraming-maraming salamat po matatawaran ang inyong kabaitan. Im back to being Cher Kat. Hahaha..

    ReplyDelete
  29. *di matatawaran pala yujn.. Kaloka tong comment ko.. Inieedit ang sarili.. Lels.

    ReplyDelete
  30. @ rix,

    Lumalabas ang pagiging psychologist, ha,ha. Mapagmasid lamang po at kahit mga comments ng mga tao binabasa ko from other blogs. That way, I learn many things from them. Salamat sa comment, nakakataba ng puso, baka lumobo :)

    ReplyDelete
  31. @ kat,

    Mabuti naman at self corrected yan. Matatawaran pala, magkano ba? Kulang pa ba yun? Har,har! Lashing ka pa ba? Luv you cher kat, you are an amazing person!

    ReplyDelete
  32. Sorry Sir Jon. Natatawa ako sa post mo na'to. Swak na swak sa mga pic. Lakas makayaman ah at ang ganda ng kotse. Pasakay naman dyan. Happy New Year. Nice meeting you pala.

    ReplyDelete
  33. Cher Jo, masaya ako na ma-meet kayo. Nag-reserve talaga ako ng day for you. LOL

    Maraming salamat sa mga pasalubong mo. I will maximize their usage. *hehe*

    Pasensya na din kung medyo tahimik at restless ako nun; may pinagdadaanan lang. Nasabi ko naman sayo di ba? Kasi may tiwala ako sa inyo. Sana naintindihan niyo.

    Ingats kayo lagi ha. May God continue to bless you. :)

    ReplyDelete
  34. nyahahaha magiging tiyabi ka na din..

    ReplyDelete
  35. @ archie,

    Humour post po ito so no need to say sorry at talagang gusto ko kayong matawa. Ganda nga nung kotse, katabi pa nun Boxster, hay panaginip na lang. Sige sakay ka po, tapos ibarurut natin dahil hindi naman atin, ha,ha,ha.

    Nice meeting you too! Abangan ang post tungkol sa inyong lima, ha,ha,ha!

    ReplyDelete
  36. @ geosef,

    The pleasure is mine. Sinabi ko naman sa iyo sa aking impressions, you are filled with wisdom so kahit na tahimik ka alam kong marami kang gustong sabihin pero nga first time eh. Oks lang.

    Alam mo yang pinagdadaanan mo, nangyayari yan sa lahat. Kung puwede lang magkuwento ng buhay, gagawin ko kasi kapupulutan ng aral. Ako ay naniniwalang kakayanin mo yan kahit na maraming pagsubok.

    Bless you too!

    ReplyDelete
  37. @ rix,

    No, no, ayaw kong maging tiyabi!

    Bakit ayaw mag add ng blog mo sa reading list ko. Ang sabi, it had been removed! Hmmm....

    ReplyDelete
  38. Hi friend, didn't understand a thing as the post was in tagalog !
    However, wishing you once more a wonderful new year ahead !
    Thanks a lot for the comment in my blog. It is actually such words of encouragement from nice people like you that drives me in blogging consistently.
    Thanks again !

    ReplyDelete
  39. Thank you Rajiv and i could make an English translation for you. I am also encouraged to write because there are people like you. Have a great day!

    ReplyDelete