Ikukuwento ko sa Fil-glish para maiba naman ang nilalaman ng blog na ito. Dahil puro ka-dramahan ang nilalaman ng recent posts, isa naman action adventure ang aking i-she-share (may word bang ganyan?)
Once upon a time...
Minsan ng ako'y topakin ay nag-afternoon tea ako sa Oriental Shop, isang maliit na coffee shop with bakeries affiliated with The Oriental Hotel. Mga three hundred lang naman ang isang pot of tea so pagpasensiyahan niyo na si lolo niyo kung feeling mayaman.
Aba, bantay pala ng coffee shop na yun eh isang Pinoy. Matangkad, guwapo, at naka uniporme ng Oriental Hotel. Anong ginagawa mo diyan, dapat nag-artista ka?, ha,ha,ha. Ok biro lang po.
Anyway, nagkakilala kami at nagtanong siya kung alam ko ba daw ang probinsiya ng Chiang Mai dahil gusto daw niya itong puntahan. Oo naman si ako, feeling tourist guide lang so we decided to go there since mayroong long weekend.
Nang umalis kami, it was my first time na sumakay ng first class train at may breakfast pa. I was able to take a shower as well bago kami nakarating ng Chiang Mai which was about ten hours by train. Pagdating duon, siyempre, wala kaming tutuluyan so we scouted for one. May mabait namang cab driver na nagdala sa amin sa isang pension house.
O sige to the point na ang aking kuwento, hahaba pa kasi eh may gagawin ka pa, ikaw na nagbabasa nito.
Nag-avail kami ng tour for a day at kasama na dito ang pagsakay sa majestic beast of the jungle, ang elepante. Siyempre ulit, excited si lolo niyo sumakay kasama na rin ang guest kong guwapo. (Sinasabi ko ito baka kasi madaan siya sa blog ko at maisipan na niyang bayaran ang kanyang utang)
May isang pamilyang nakatoka para sa isang medium sized elephant pero sinabihan sila ng mahout na hindi puwede ang tatlong tao for the elephant so kami ang isinakay. Nakakatakot naman po, dahil para palang dinuduyan ka sa ere na feeling mo malalaglag ka. May kadena naman kami, para bang seat belt, yun nga lang para sa aso yata yun.
Siya uga dito uga duon. Grabeh, nakakahilo. Narinig ko yung mahout namin at inutusan yung elepanteng mag-overtake. So overtake naman si Dumbo. Pag hakbang niya sa gilid ng bundok, nadulas ang panget at tumagilid ang aming elephant chair. Eh ang elephant chair na yun eh gawa sa bakal so nang tumagilid yun,tumatama malamang sa kanyang side at nasasaktan siguro ang elepante so nagwawala.
Varooom, varooom, taas baba ang kanyang trumpeta. Si mahout naman, nag-panic pero mas dramatic ang aming kalagayan at that time.
Ako eh nadaganan ng aking kasama habang nakabitin kami sa silya. Iisa lang ang naririnig ko. "Putang-ina, putang-ina!" "Mamamatay na tayo!" ang paulit-ulit na sigaw ba naman ni pogi.
Alam ninyo naman na ako ay isang good boy at hindi nagmumura but not in that case. Isang malakas na "PUTANG INA MO RIN! MALALAGLAG NA NGA TAYO, MURA KA PA NG MURA!"
Tinanggal ko ang kadenang nakasukbit sa aming tiyanan at gumulong gulong kami sa damuhan. Para bang love scene sa isang teeny bopper na movie pero horror po ito o di kaya action movie. Imagine bundok yan so pababa ang aming pagbulusok.
Nang nakatayo na kami eh hinabol kami ng elepante, takbo Darna takbo! Umuulan nuon kaya kami ay naka-kapote, orange pa ang kulay, kulang na lang may guhit, mukha na kaming nakatakas sa preso.
"HUBARIN NATIN YUNG KAPOTE, BAKA COLOR BLIND SI DUMBO!" ang sigaw ko kay Ding, ako daw si Darna. O feeling genius naman at that time, hindi ko nga lang maalala kung may episode ba ng National Geographic tungkol sa mga nagwawalang elepante.
Hinubad naman namin ang kapote, alangan naman damit namin at nagtatatakbo kami. Sabi ko ulit, "DUON KA PUMUNTA, DITO AKO PARA MALITO SI PARENG ELEPHANT!
Aba ang gago, sumunod sa akin. Buti na lang at nakahabol si mahout at pinigil niya ang kanyang nagwawalang trumpeta kung hindi, wala ng nagkukuwento sa inyo nito ngayon.
Pagkatapos ng lahat, nag reklamo kami sa tour operator at binalik naman sa amin ang binayad namin. Sabi ko elephant ride po yun, hindi roller coaster!
Anyways, after the incident at nakabalik na din kami ng city, hindi ko na po friend si Ding, galit na kami dahil sa mga requests, ginawa po akong taga-bitbit ng kanyang pinamiling luya papuntang Pilipinas. Imagine mo yan, ang layo ng palengke. Buti pa yung luya, nag-eroplano! At magdala daw po ako ng asido para panlinis niya ng kubeta, ano ba yan iho? Ok ka lang?
At diyan po nagtatapos ang aming friendship. But ilang ulit na po akong muling nakasakay ng elepante at safe naman. Hanggang sa susunod na adventure story.
Haha..kakaibang adventure.. parang ayoko na tuloy sumakay ng elepante. (Sa camel o ostrich na lang siguro :) just kidding...)
ReplyDeleteAt least naulit ang pagsakay sa elepante na successful naman...
Ahahaha, nakaka panibago. Parang na teleport ako sa ibang dimension :D
ReplyDeleteHong kulet ng little adventure nyo sir Jonathan. Masaya na sana, eh kaso naman tong si "Mr. Guwapo" na tinutukoy nyo eh panira din ng trip ahahaha! Anong tingin nya sa inyo, chaperon? LOL
Nice read, natawa ako this morning!
hehehe. nakakatuwa naman kuya jonathan, at hindi ako sanay! hihi
ReplyDeletemasaya naman ang munting adventure.. at kaloka yang Gwapo na yan, tsk! ansarap ipatapak sa elephant, char! :)
Nakakaaliw! Made me smile today. :) Nakakapanibago nga lang ng konti. Hehe!
ReplyDeleteMagandang araw!
Hi Ric,
ReplyDeleteSasakay sana ako ng camel when I visited Mongolia pero natakot ako baka ito naman ang magwala. Ostrich, baka hindi ako kayanin ng kawawang ibon.
Oo naman, sumakay ako ulit, yung photo yan yung latest pero kinakabahan talaga ako niyan, ha,ha,ha.
Hi fiel,
ReplyDeleteSi Mr. Guwapo eh ginawa akong body guard. Lter, taga bitbit ng pinamili, yaya na ang dating. Aba, namihasa.
Buti naman at napatawa kita ngayong araw na ito, umaga lang pala. At sana'y nagustuhan mo ang aking Pinoy version of my elephant ride experience.
Hello jessica,
ReplyDeleteAba kung marunong lang ako ng elephant talk, baka nga kinausap ko si Dumbo. Hindi ako elephant whisperer eh.
Hindi ka sanay na ako'y nakakatuwa, nakakatawa o magsulat sa Filipino? Baliw days lang naman.
Hi Jhanz,
ReplyDeleteAba, may pic na si umi, ganda naman ng smile. Nakakapanibago ba, dapat naman talaga laging may bago sa ating lahat. Ikaw nga daming bago sa iyo.
Magandang araw din! o Magandang ulan!
parang ako yung nasakay sa elepante! lol.. more more sway ako habang binabasa ito. haha.
ReplyDeleteAyan, idispatsa ang mga user-friendly na tao. Hindi man sya nadale ng elepante, for sure babalik din sa kanya yang mga pananamantala nyang ginawa. How rude. Tsk. Major turn off ang ganyang attitude, nawawalang kaguwapuhan ng mukha..
Sana makapunta ko ng Thailand at Italy.
this is funny and first time mo nga na mag kwento ng taglish nyahahaha.
ReplyDelete*hahaha!* Buti nagawa mong nakakatawa ang isang nakakatakot na experience. Kung ako siguro yun, malamang may trauma na ako sa elephant rides.
ReplyDeleteSayang naman si pogi, kaso may attitude problem pala. Ka-turn off lang. :P
Hi cher kat,
ReplyDeleteSige punta ka, mayroon namang malapit lapit where you can ride an elephant. At napa-sway ka naman sa pagbasa.
Oks lang yun, naikuwento ko lang para lighter naman ang mood this time.
Thanks Rix,
ReplyDeleteFunny ba eh muntik na nga akong mamatay. Alam mo nung ikuwento ko yan sa tatay ko, tawa siya nang tawa. Sabi ko, ano ba kayo, mamamatay na nga ako natatatawa ka pa? Sabi niya, nakakakatawa daw kasi akong mag-kuwento.
ay na-sad naman ako at wholesome ang story... sana man lang, bago matapos ang friendship, sana may...hmmnnn... hyyy... kung ako yan eh susulitin ko ang company ni kuyta...hihihihihi
ReplyDeleteMismo tama ang father mo. nakakatawak ka kasi mag kwento what more if that is in person ehehe.
ReplyDeleteHi geosef,
ReplyDeleteButi pa si pogi, may concern ka, ha,ha,ha.
Ang ikinatatakot ko lang when I ride an elephant, baka si Dumbo ulit masakyan ko, eh galing yata ng memory ng mga elephants, baka maalala ako at ako ay iitsa sa ere.
Hello Senyor,
ReplyDeleteIkaw talaga, kung kasama mo si kuya baka may anong mangyari, sige nga gawan mo ng kuwento.
Naku sinamahan ko nga lang, kailangan pa bang hingan ng kapalit, pera oo pa, ha,ha,ha.
Hello again Rix,
ReplyDeleteFave story yan ng tatay ko. Pag may bisita, sasabihin niya, pakuwento mo yung elephant story. Again!
Komedyante ka pala! Hahahaha!
ReplyDeletePatulog na sana ako ng maisipan kong mag blog hop, tapos nakita ko tong kwentong elepante mo! Akala ko lullaby story! Hindi pala pampatulog to! Abay tawa ako ng tawa dito sa kwarto ko mag-isa! Hahahaha
Kasalanan mo to, nawala antok ko! Hahaha
You really made my day JOnathan. Tawa ako ng tawa na parang loka loka habang nagbabasa ng blogpost mo. I relly loved this other side of yours too. Lagi kang may sorpresa about yourself. ANo pa kaya ang tinatago mong talent na hindi mo pa na i share sa amin? Abangan!
ReplyDeleteWell, kala ko pa naman, nakakuha ka na ng best friend dyan. Di pala sya nice:)
Natawa ako doon sa part na nag decide kayo na maghiwalay ng landas upang malito ang elepante kasi colorblind at bigla ba namang ikaw ang hinabol. hahahaha.. maaga akong nagising ngayon upang magbasa ng kung anu anong nga articles tapos naalala kong bisitahin itong blog mo baka may bago tapos ito ang nadatnan ko. Very nice.. pampaganda ng araw para ganahan ako mamaya sa laban ko sa table tennis.. hehe.. Campus meet namin.. great adventure!
ReplyDeleteHello Mar,
ReplyDeletePag nawalan nga ako n work, sa comedy bar na ako mag-wo-work, ikaw dancer ko ha.
Paano naman magiging lullaby story ang post na may titled kuwentong elepante? Tapakan? ha,ha,ha.
Hi Ms. Joy,
ReplyDeleteOk lang yung friend, madami naman akong online friends such as the bloggers. Happy pa ako!
Na-pressure naman ako at talagang pipigain ko ang sarili ko to showcase more of my hidden talents, or totally hide them na lang.
Salamat naman at it made you laugh. Gusto ko kasing may naging masaya after reading this post.
Hi Orville,
ReplyDeleteBy the time basahin mo ulit ito, baka tapos na yung match pero good luck pa rin sa iyo. Sporty ka pala, good for you, ako eh taong bahay o tamad in other words.
Natutuwa naman ako at naging pampaganda ng araw ang post kong ito. Hindi ko pa alam kung colour blind ang mga elepante, research ko pa :)
Ahhahaha! Never thought na filled with action ang pagsakay sa elepante. hahaha! Ikaw ba naman, gawing vehicle eh natagurian ka pang Majestic Beast of the Jungle. Pang asar lang. hahaha!
ReplyDeleteAnyway, at least you're both safe. I mean, hindi mo rin masasabi kung ano mangyayari no? Salamat sa post na ito, nasira na lahat ang plano ko na maka sakay sa elepante at magfeeling Mowgli. Hehehe!
And as for Mr. Pogi, first time mo lang nakilala nagtiwala ka na agad dun sa tao? At yung kumog naman na iyon, first time kang nakilala ang preskong presko ha, gawin agad ikaw personal alalay? Mah!
I agree with one of the comments- ipinatapak mo na sana siya sa elepante.
Ang nakakatuwa lang sa mga near-death experiences na yan eh, when you survive it's just one of the many funny stories you'll tell in the future to friends, family, kids and grand-children. Super advanced na agad no? hahaha!
Anyway, nasan ka ba? 10 hours na ride sa train? grabe tagal nun. Buti hindi napudpod ang posterior mo. hehehe!
Take me to Chaing Mai at sumakay din tayo sa elepant ah but not that kind of roller coaster ah. Lol natawa ako sa mga mura ni pogi. Sad naman at may natapos na friendship. Lol aba ano yang mga kadramahan mo lately. Hehe...
ReplyDeleteDahil parang kailan pa langako nagfofollow dito.. ang dami ko talagang katanungan sa utak ko habang binabasa toh.. haha pero di ko na tatanungin kase kahit sagutin mo baka di ko naman balikan tong comment na toh..hahaha
ReplyDeleteHello Mr. Tripster,
ReplyDeleteMarami pa rin naman ang sumasakay sa elepante dahil minsan lang naman ang mga untoward incidents like mine, nagkataon. Just like what you said, a story to tell to others, kaya nagiging nakakatawa.
Ganuon ako nuon, pag may nakita akong Pinoy, magaan kaagad ang loob ko. Yan eh kahit saan ako magpunta. When I went to The Netherlands, nakita ko yung isang Pinoy store, feeling ko, I saw treasures, ha,ha,ha. Pero nagiba na rin ang pananaw ko.
Yung mga bloggers I met last summer, hindi ko sila kilala but I trusted my instinct na best of the best ang mga iyun so fly away and I have no regrets meeting them. Walang pasaway sa kanilang anim.
Yung first class berth eh for passengers who can afford a little of luxury, may sariling bed, breakfast and shower. But the train is the same, lahat kayo darating at the same time. Puwede namang sa third class, nakaupo ako the whole time pero sasakit nga. But in my case, natulog ako the whole night, ginising na lang ng conduktor at sabing breakfast is ready, ganuon lang.
Hello Archieviner,
ReplyDeleteSayang ang friendship, hindi no. Sabi nga, if you want to test your friendship, travel together. Mabait lang akong tao at gusto ko ring mamasyal ng may kasama so I agreed to travel with him to CM. Nagkataon lang na naging kampamte siya at nanghingi ng maraming favors eh tao lang me so I decided to stop.
I did not intend to highlight the friend, I was actually meaning to tell my misadventure with the elephant pero lahat ng comments almost centered on him at parang may controversy pa. Yan hindi yan complaint, gusto ko nga yan dahil parang buhay na buhay ang post na ito dahil sa mga comments.
Malayo ang CM noh, tour kita sa city at kung may long holiday at that time, puwede tayong mag Chiang Mai since it is a very beautiful place.
Hi kamilkshake,
ReplyDeleteDami mong tanong pero hindi mo naman babalikan itong comment, ha,ha,ha. But thanks sa comment, naintriga lang me kung ano ang mga bumabalot na issues sa iyong utak. Have a great Sunday!
Hindi ko pa nasubukang sumakay ng elepante pero nakakita ako sa Ayutthaya ng mga elepante.
ReplyDeleteHindi ako sumakay kasi ang mahal ng fee.
Nakakatakot naman yung nangyari sa inyo. Buti at safe kayo.
Hi Ish,
ReplyDeleteNakailan na rin ako although nahulog na nga. I have to be a friend to some of my visitors so sumasakay pa rin ako.
Medyo pricey lalo nat half an hour or an hour ride.
ha ha ha para akong tanga tawa ako ng tawa sa harap ng laptop habang binabasa ko eto pinagtatawanan ako ng asawa ko muka daw akong tanga kasi wala man lang video sa harap ko bakit daw ako tawa ng tawa ha ha ha
ReplyDeleteButi sana kundi kita nakausap sa personal. nai-imagine ko ba namang naka-hang ka sa side ng elepante at nagpi-PI! ha ha ha
mas lalo akong natawa na tumatakbo kayong naka-orange na kapote at naghu-hubad ha ha tipong eksena ni Dolphy at Panchito lang.
Hay naku Jonathan ka!
Hello Ms. Balut,
ReplyDeleteBago ang lahat ako si Dolphy, siya si Panchito, he,he.
Natawa ka ba dahil naimagine mo ako yun at hanging for dear life? Compose pa ako nuon ha. Sumigaw lang ako dahil sa kasisigaw ni Panchito. In an emergency, tahimik lang ako like when we had a fire near our place and we were taking things out of the house. But after tsaka na ako mag kukuwento at magiging maingay.
I believe this entry is the most celebrated in my blog because it is a change from the usual writings. Maybe, I should do one in the vernacular.