Thursday, July 18

Ang Pagbabalik

Yes, you are not lost! This is going to be the very first Filipino entry in this blog world of mine. I was asked to speak in Filipino in celebration of my high school's 96th year founding anniversary this morning so I am here to share the entire speech.



Ang Pagbabalik
Isang Pagpupugay sa Aking Pinanggalingan


Naaalala ko pa nuong nakababata pa ako nang sabihan ako ng aking ina.

“O hindi ka na muna mag aaral anak, wala kasi tayong pera.”

"Inay, bakit naman po?"

“Wala kasi tayong perang pantustos ng matrikula, pasensiya na anak.”

Subalit hindi ako nagmukmok, nasaktan oo, dahil hindi na nga ako mag-aaral sa susunod na taon pero hindi ako sumuko.

Lumapit ako sa aking lola at sa kanya humingi ng tulong.

Salamat naman at pinaunlakan ako ni lola, at sa tulong nila ni lolo, ako ay nakapag aral muli sa St. Stephen's.

Isang karanasang nais kong ibahagi sa lahat. Gusto ko kasing mag-aral, ayokong tumambay o lumaking mangmang. Gusto ko nang maraming bagay at alam kong sa edukasyon ko makukuha ang nais ko sa darating na panahon.

Gusto ko ng piano nung ako ay bata bata pa. Gusto kong magkaroon ng mamahaling damit o kaya sapatos. Hindi kami mayaman pero dahil binigyan ko ng importansya ang mga leksyon ni Bb. Liwanag, Gng. Era, Gng. Altavano at nang aking mga naging guro dito sa paaralang ito kung kaya't ako ay yumaman sa karunungan.

Madaming magandang alaala ang pagiging mag-aaral ko sa St. Stephen. Madami akong gusto sa pagtuntong ko dito. Malawak ang kapaligiran. Madami akong naging kaibigan. Madami akong naging inspirasyon. Mababait ang aking naging guro. Higit sa lahat, dito ko nalaman ang pagiging maka- Diyos.

Siyamnapu't anim na taon na ang nakararaan at hanggang ngayon ang St. Stephen ay naririto pa rin para magbigay gabay sa mga kabataan. Ako ay naging apo na ng paaralang ito. Kayo naman ay mga apo sa tuhod or marahil apo sa talampakan.

Bakit ba tayo naririto? Naririto tayo dahil nais kong malaman ninyo na ang paaralan ay ang inyong tahanan, parang bahay niyo na rin. Kaming mga guro ay ang inyong mga magulang. Ang mga kamag-aral ninyo ay mga kapatid o mga pinsan. Sama sama tayo. May kasayahan man o wala, tayo ay magkakasama. Kapag nagkaroon ng problema ang inyong kapatid, damayan mo. Kaya naman kailangan nating magtulungan.  Hindi tayo dapat maging makasarili.

Subalit ikaw, ikaw at tayong lahat ay may mga responsibilidad sa ating bahay. Kaming mga guro ay magiging mas makatarungan at pahahalagahan ang inyong kinabukasan. Kayo namang mga mag aaral, 
  1. Bigyan ninyo ng kahalagahan ang inyong pag-aaral.
  2. Magkaroon kayo ng kumpyansa bilang mag-aaral. 
  3. Magkaroon kayo ng kumpyansa sa sarili.
Dahil sa oportunidad na ibinibigay sa inyo, kayo ay magiging aktibong kalahok sa sarili ninyong edukasyon. Yan ang aming maibabahagi sa inyo bilang mga guro,at bilang magulang ninyo sa bahay na ito.

Mayroong mga pangit sa ating tahanan. Ano ba ang mga bagay na hindi ninyo gusto sa isang paaralan?

Marahil, hindi ninyo gusto ang
  1. tumayo tuwing umaga para sa pambansang awit at panatang makabayan
     “ mainit, ang tagal na nakatayo, dah,dah,dah,dah..."
  1. uniporme
    “hindi ko gusto ang kulay, ang baduy, ang haba naman, ang init, ang kati sa katawan.”
  2. mga araling bahay
    “ hindi ko maintindihan, hindi ako makapanood ng kartoon, nakakatamad”
  3. mga mapang uyam na guro
    “ ayaw ko nang pumasok, lagi akong pinahihiya ni ser o ni maam”
    “ ano ka ba naman Juan, hindi mo alam ang Pythagorean Theorem?”
  4. mga kaibigang naging kaaway
    “ayan na naman si Juan, magtatago muna ako sa banyo”
Huwag na nating tignan ang mga pangit na bagay, mas bigyang halaga natin ang mga magaganda tungkol sa paaralan. Ano ba ang mga ito? Maaaring ang...
  1. mga kaibigan
    “ tara, sabay na tayong kumain sa kantina, pakopya naman ng homework”
  2. mga mababait na guro
    “ love ko si maam, galing magturo; nakakatawa si sir, laging masaya sa klase”
  3. mga magagawa sa palaruan
    “ luksong lubid tayo, kuwentuhan tayo mamaya”
  4. mga perang pabaon ni ama o ina
    “ ma, paki-dagdagan naman, tumaas na po ang siopao sa Ha Yuan”
    “ ketchup na nga lang ulam ko sa araw araw para makabili ako ng iTouch”
  5. makita mo si 'crush'
    “ ayan na siya, hello!, ganda ganda mo naman ngayon.”
    “ shy naman ako, ikaw na lang magbigay”
  6. mga bagay na importanteng matutunan
    “ magaling ako sa Chemistry, siyensiya ang kukunin ko sa kolehiyo.”
    “ gustong gusto kong gumuhit, arkitektura ang aaralin ko.”
    “ magnenegosyo ako, magaling yata ako sa Math!”
Ang St. Stephen ay hindi isang gusali, ito ay isang pamayanan. Naglalayon ang paaralang ito na gamitin ang kanyang kakayahan upang mapabuti ang mga batang pumapasok sa kanyang tahanan. Isang bahay ng karunungan, ng kagalakan, ng pag-asa at ng pagtitiwala sa Diyos at mga taong nakapaligid sa inyong lahat.

Kaya mga kabataan, tandaan po lamang ang aking mga sasabihin:

Mahalin ninyo ang inyong mga magulang

Mag-aral kayong mabuti

Gawin ninyo ang inyong mga gawaing bahay

Maging matiyaga

Ipagmalaki ninyo ang inyong pinanggalingan

Mahalin ninyo ang inyong mga guro

At isiping ang paaralang St. Stephen ay nagpupugay sa inyong kakayahan bilang mabubuting mag- aaral.

Hindi ako umalis ng ating tahanan, dahil ako'y nagbalik upang magbigay karangalan at pananampalataya sa kanyang kakayahan.

Mabuhay ang St. Stephen's!



25 comments:

  1. Aaaw Panauhing Pangdangal!

    Hu hu hu naluha ako sa talumpati promise!

    Congrats Jonathan!

    ReplyDelete
  2. well napakalaking issue sakin neto kasi i've always wanted to study in college pero ayun wala kong drive na gawin kaya now, 22 na ko di pa ko nakakatungtong ng college, buti nga at natanggap ako sa trabaho ko naun pero ayun siguro eventually i popursue ko pa din

    ReplyDelete
  3. Wow St Stephen ka pala... Chinese school sa manila?

    Ikaw na ang matatas sa Filipino. Sana ay dalasan mo! Magaling ka!

    Again, kitain mo kami Sir!

    ReplyDelete
  4. Wow, great !
    All blues gone, feeling light, you !
    Enjoy and have fun !

    Fyi, blogged about churning the milk ocean, the sculpture at the Airport of smiles at Bangkok ! Visited a few years ago.

    ReplyDelete
  5. @ Balut, MEcoy and Senyor, marami pong salamat.

    There was a keynote presentation with this and it was so exhilarating because of the responses from the audiences from grade schoolers to high school students.

    When I told them, " mayroon akong ibabahagi, hindi pabor sa mga magulang ang magkaroon ng Pinoy na guro pero sa aking paaralan, hindi nila tinignan ang aking kulay, tinignan nila ang aking kakayahang magturo. Kaya naman laging puno ang klase ko taun taon. May mga estudyante dahil may isang gurong tulad ko." At biglang nagpalakpakan ang mga estudyante, bow!

    ReplyDelete
  6. @ senyor - hindi ko makita email add mo, so paki pm na lang number mo thru teacherjo@gmail.com. Maraming salamat.

    ReplyDelete
  7. sent you an email... pati cp number ko! hahaha

    ReplyDelete
  8. Napakagandang speech kabayan.saludo ako:)

    ReplyDelete
  9. Wow! Congrats! Di lahat ng naging graduate ng isang school ay may pagkakataong makapagbahagi ng sarili at maging panauhing pandangal! Ibig sabihin, kahit papaano'y naging successful kayo, Sir sa propesyong inyong pinili! Galing! Nawa'y isabuhay ng mga estudyante ang mga mensahe at aral ng inyong talumpati! Congrats again!!!

    ReplyDelete
  10. Magandang menshae para sa mga batang dumalo. Haaay...naalala ko tuloy yung isang bese na nagsalita ako sa graduation day ng pinanggalingan kong elementary school.

    Malaking kapalpakan. Hindi ko nasabi 'yung nais kong sabihan. Nakakahiya.

    ReplyDelete
  11. :) WAS ABLE TO DO THAT TOO, SPEAK BFORE MY FORMER TEACHERS, CLASSMATES AND THE GRADUATES.

    CONGRATS SAYO! YOU EXCEL ALMOST IN EVERYTHING! YOUR ARTS IS AWESOME!

    ReplyDelete
  12. Tanggapin mo ang aking mainit na pagbati, G. Jonathan! Napakagaling ng iyong talumpati.

    ReplyDelete
  13. congratulations! :) :) halu-halong emosyon ang nararamdaman ko habang binabasa ko to... parang naririnig ko ang boses mo at feeling ko graduation ko nung high school... hehehe... cheers to education!

    ReplyDelete
  14. Awww.. kaka touch naman ang speech *applause* Congrats po sir Jonathan :))

    Balita ko, papauwi na kayo ng Pinas or nakauwi na kayo?

    ReplyDelete
  15. Personally ang isa sa ayoko sa school eh yong may mga program na may guest speaker na sobrang haba ng talumpati. Ang masasabi ko lang, kuha ang attensyon ng lahat sa speech na ito.

    Hindi ako umalis ng ating tahanan, dahil ako'y nagbalik upang magbigay karangalan at pananampalataya sa kanyang kakayahan. - Ang gandang mensahe neto! Saludo ako sayo ser!

    ReplyDelete
  16. @joy - ang ganda naman nung salitang kabayan, maraming salamat!

    @ric - natutuwa nga ako at naanyayahan akong mag talumpati. Ang mga nilalaman ng aking talumpati ay base sa mga sagot ng mga mag aaral ng may iba't ibang nationalidad subalit parehas ang mga sagot. Salamat ng marami!

    @ish - mayroon namang susunod na pagkakataon. Isapuso mo ang sasabihin mo at wag isaulo lamang.

    @ demigod - thanks! It was a great day and something I will carry as a torch as I continue teaching. You must have done great as well. Miss your postings.

    ReplyDelete
  17. @ ambot - mainit nga, napaso ako, lol! Maraming salamat po at nawa'y nabigyang parangal ang mga gurong tulad natin. Pinatayo ko pala ang lahat ng mag aaral at tinuruang mag wai ( Thai bow of respect), at sila ay nagbigay pasasalamat sa kanilang mga guro. Awesome!

    @yccos- hindi man yayaman sa pagtuturo, yayaman naman sa mga pagtitiwala mula sa mga bata at magulang. Isang respetong hindi mababayaran. Thank you and cheers!

    @ fiel - salamat sa applause, parang naririnig ko siya dito. Oo andito ako sa Maynila, magkikita ba tayo? Pasyal ba ako ng Rizal?

    @ mar - parehas lang. Hindi ko bet yung mahahabang hindi ako makarelate kaya pinilit kong maging interactive at madami po siyang jokes in between. Halimbawa,

    " maaaring bang gumamit ng cell phone sa loob ng gusali?"
    Sigawan ang lahat, "hindi po!"
    Sabi ko naman, " hayaan ninyo, kapag ako ang naging principal.... (long pause), hindi pa rin puwede. Tawanan ang lahat, he,he,he.

    ReplyDelete
  18. Naks, foundation day speaker! Congratulations! It is a good opportunity to share your wisdom with the younger ones. Keep being an inspiration to them through the things that you say and do.

    God bless!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga Nortehanon. Thanks for the kind words.

      Delete
  19. Isang standing ovation sabay hiyawan at konting tears of enlightenment! Bravo!

    ReplyDelete
  20. wow! ang sarap marahil ng feeling na nakabalik ka sa iyong mahal na paaralan :) tapus nagbigay ka pa ng isang speech! nakakataba ng puso :)

    ... pangarap ko rin yan hehe,

    ReplyDelete
  21. @ josh- maraming salamat

    @ jep - oo nga, akmang akma. Nagbalik ako at nagpugay bilang isang mag aaral at alumni ng paaralan. Darating ka rin diyan.

    ReplyDelete
  22. Saya naman. Your school must be very proud of you. Mabuhay ka.

    Payagan mo na yung cellphone usage. Hahahahahaha.

    ReplyDelete
  23. @ Erik man,

    Masaya nga. This was the second time. The first some years prior to this was delivered in English. Then this was in Filipino. I might be called again as I told them, as a joke, that I'll do it in Chinese.

    ReplyDelete